Meron pa ba ngayon gumagamit ng SVN? Bakit kaya di pa sila naggi-Git?

Curious lang ako — meron pa ba sa inyo o sa company niyo na gumagamit pa rin ng SVN (Subversion) instead of Git?

Sa panahon ngayon, halos lahat ng projects na nakikita ko nasa Git na (GitHub, GitLab, Bitbucket, etc). Pero may mga naririnig pa rin akong orgs na stick pa rin sa SVN. Gusto ko lang malaman:

  • Anong reasons bakit di pa sila nagswitch to Git?
  • May benefits ba si SVN na wala sa Git sa ilang specific na use cases?
  • O baka legacy na lang talaga at mahirap i-migrate?

Share niyo naman experiences niyo. Interested ako lalo na sa mga naka-experience mag-maintain ng SVN server o mag-migrate papuntang Git.